Sunday, February 24, 2013

Mga Kwento ni Juan na walang Kwenta!!!

Nagtaksil si Misis... kayat...


Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan. Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.

"Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat sa iyo."

"Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."

"Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........"

"Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo rito sa mundo."

"Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinag-taksilan kita sana ay patawarin mo ako."

"Alam ko iyon, kaya nga kita NILASON."





Bayad ko sa jeep...

Kagabi, sumakay si Juan ng jeep…lahat sila nakatingin sa kanya…ang sama ng tingin nila sa kanya…Sinubukan nyang mag-abot ng bayad pero hindi nila tinangkang kunin ang bayad nya…bigla syang kinilabutan…hanggang sa my kumalabit na matanda sa kanya at sinabing…."ARKILADO NAMIN ITO"...

 
Sa gubat at mga bato...

Isang araw naligaw si Pedro at Juan sa isang gubat at nakaramdam sila ng pagkagutom ng may tinig silang narinig.
"KAYONG DALAWA DUMAMPOT KAYO NG MALAKING BATO.."

Kinuha ni Pedro ay malaking bato. Samantalang si Juan ay maliit palibhasa tamad nga.Nagsalita ulit yung mahiwagang tinig. 

"KUNG GAANO KALAKI ANG BATO NA NAKUHA NYO YAN ANG TINAPAY NA KAKAININ NYO....."
Badtrip si Juan.Nagsalita ulit yung mahiwagang tinig. 

"DUMAMPOT ULI KAYO NG MALIIT NA BATO"

Knuha ni Pedro ay maliit na bato. Samantalang si Juan ay malaki ang kinuha kasi nabitin sa pagkain. Sabi ng mahiwagang tinig...

"IHAGIS NYO ANG BATONG HAWAK NYO...............KUNG ANO ANG LAYO NG BATONG HINAGIS NYO ITO ANG MAGIGING HABA NG BUHAY NYO"

Badtrip na talaga si Juan. Nagutos muli ang mahiwagang tinig... 

"KUMUHA ULI KAYO NG BATO PERO NGAYON DALAWANG BATO"

Kumuha si Pedro ng dalawang maliit na bato. Samantalang si Juan ay nag-isip. Di mo na ako magugulangan... Hehehe... Kumuha si Juan na isang maliit at isang malaking bato... Ano ka ngayon sabi ni Juan...

Nagsalita ulit ang mahiwagang tinig... 

"KUNG ANO ANG SUKAT NG BATONG HAWAK HAWAK NYO YAN ANG MAGIGING SUKAT NG ITLOG NINYO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"


Mirror...Mirror...

Sa isang Museum..
Juan: Ito bang pangit na 'to ang tinatawag nyo na "ART"?! Ang pangit, nakakasuka! Painting ba to?
Guide: Hindi po sir, salamin yan! Hahaha!

2 comments: